P10.41 billion iligal na droga nakumpiska ng gobyerno noong 2023 – Malacañang
MANILA, Philippines — Iniulat ng Malacañang na nasa humigit-kumulang P10.41 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng gobyerno mula Enero hanggang Disyembre 2023 at nalinis ang nasa 27,000 barangay mula sa narcotics.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bukod sa pagkakakumpiska ng malalaking volume ng iligal na droga, nasa 56,495 na suspek ang naaresto nito matapos magsagawa ng mahigit 44,000 anti-illegal drug operations.
Sa pagtutulungan ng DILG, Dangerous Drugs Board, PDEA at PNP, nalinis ng gobyerno ang 27,968 barangay mula sa droga, na kinabibilangan ng 23 probinsya, 447 munisipalidad, at 43 lungsod.
Idinagdag sa ulat na 50 probinsya, 1,160 munisipalidad, at 30 lungsod ang may functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) na nagpapatupad ng mga prayoridad laban sa droga sa lokal na antas.
Bilang karagdagan, 74 na itinatag na in-patient treatment at rehabilitation facility ang inilagay din.
Target ng administrasyon na sa Hunyo 2028 ay mabawasan ang target-listed drug personalities ng 10 porsiyento ng taunang target list at magtatag ng mga community-based drug rehabilitation programs at ADAC sa lahat ng probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay.
- Latest