^

Bansa

Act Agri-Kaagapay, itinatag

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa hangaring makatulong sa mas maraming mahihirap na Pilipino, itinatag ng negosyante, pilantropo at dating reporter na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang Act Agri Kaagapay.

Isang non-stock at non-profit organization, layunin ng Act Agri-Kaagapay na magkaloob ng welfare development programs sa mga pinakamahihirap na indibidwal at pamilya sa bansa.

Nagsimula ang operation ng Act Agri Kaagapay noong nakalipas na taon sa San Nicolas, Binondo, Maynila na umabot ang serbisyo sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila hanggang sa Visayas at Mindanao.

Si Rodriguez ang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.

“Looking back to all that  has happened in 2023, we still have the same issues in life, particularly on how the Philippines struggle to fight food security and high prices in basic commodities especially in the agricultural sector,” pahayag niya.

Ito ang nag-udyok sa kanya para itatag ang organization na magpopokus sa pagtulong sa “troubled sector” lalo na sa milyun-milyong magsasaka sa bansa.

MAYNILA

BINONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with