^

Bansa

Indefinite suspension ng PUV modernization, inihirit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Indefinite suspension ng PUV modernization, inihirit
Jeepney drivers and operators continue their protest against the government's Public Utility Vehicle (PUV) modernization program at a jeepney terminal in Pasig City on January 2, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nanawagan si Se­nate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel para sa indefinite suspension ng Public Utility Vehicles (PUVs) consolidation hangga’t hindi pa naayos ang mga isyu tungkol sa programa.

Nais ding malaman ni Pimentel kung sino ang mga suppliers ng mga mini-buses at dapat aniyang magkaroon ng “peace and harmony” sa sektor ng transportasyon.

Sinabi ni Pimentel na dapat ipagpaliban ang programa upang bigyan ng pagkakataon ang mga stakeholders na maayos ang isyu na nakapalibot sa programa ng modernisasyon ng PUV.

Sa isang panayam ng Senate media sa pamamagitan ng Zoom, sumang-ayon si Pimentel na maraming mga isyu tungkol sa consolidation ng PUVs na nananatiling hindi nalutas tulad ng pagtatatag ng mga kooperatiba sa mga driver ng dyip at operator at mga ruta ng dyip.

“So suspend indefinitely, pwede nila sabihin na we will resume after certain number of months kung naayos na nila lahat ang lahat ng detalye,” ani Pimentel.

Hiniling kahapon ng transport group na Piston sa Korte Suprema na ihinto ang pagpapatupad at ipawalang bisa ang ilang mga order ng gob­yerno na may kaugna­yan sa PUV Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni Pimentel na ang kanyang tanggapan ay susulat sa Department of Transportation (DOTR) upang malaman ang supplier ng mini-bus na papalit sa iconic jeepneys bilang bahagi ng PUVMP.

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with