^

Bansa

Pagbibigay-pugay sa China ‘di trabaho ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuna ng dating solon ang sinasabing umano’y pagbibigay-pugay ni Vice Pres. Sara Duterte sa China pero nananahimik sa panghaharass na ginagawa nito sa West Philippine Sea na wala umanong kinalaman sa kanyang trabaho bilang Education Secretary.

Matatandaan na naglabas si Vice President Sara Duterte ng isang video greetings na bumabati sa China sa 73rd Founding Anniversary nito kung saan nagsalita ito ng Mandarin.

Ayon kay dating partylist Rep. Barry Gutierrez ang tunay na trabaho ng kalihim ng DepEd ay pagtuunan ng pansin ang mga problema sa sektor ng edukasyon.

“Ang trabaho niya, dapat: Siguruhing may sapat at mahuhusay na guro. Siguruhing may sapat na classroom at paaralan, at may learning materials tulad ng libro, lapis, papel, pati chalk sa loob ng mga classroom na ito,” wika ng dating mambabatas.

“Tiyakin na ang itinuturo sa mga paaralan, angkop sa pangangai­langan ng mga bata. Para pag-gradweyt nila, makakahanap sila ng maayos na trabaho, at alam nila ang ginagawa nila,” saad pa nito.

Binigyan-diin ni Gu­tierrez na ang dapat alalahanin ni Duterte ay ang kasalukuyang estado ng edukasyon ng bansa.

“Trabaho niyang mabahala sa estado ng edukasyon sa bansa: Isipin na lang ninyo, 9 sa 10 batang Pilipino sa edad na 10 years old, hindi sapat ang kakayahang magbasa. Krisis ito, at trabaho ng DepEd Secretary na maghanap ng pa­raan para tugunan ito,” dagdag pa ni Gutierrez.

BARRY GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with