^

Bansa

294 MILF, MNLF members nanumpa sa PNP

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 294 mi­yembro ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang nanumpa bilang mga bagong regular na miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Central Mindanao kamakalawa.

Inihayag ni Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na ito’y bahagi ng proseso ng integrasyon sa PNP ng mga nagsisukong MNLF at MILF sa ginanap na seremonya sa Police Regional Office -Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Headquarters.

“Sa pangunguna ng ating mahal na Pangulong [Ferdinand] Bongbong Marcos [Jr], we remained to be steadfast dito sa [dBangsamoro] peace process. Dito ninyo makikita ang sinseridad, ang kabaitan ng ating Pa­ngulo, ng ating ­gobyerno,” ayon kay Abalos.

Binigyang diin ni Abalos na ang proseso ng recruitment ng NAPOLCOM ay transparent, patas kung saan ang MILF at MNLF candidates ay na­lagpasan ang pagsasanay ng may merito.

“Walang puedeng magsabi na ito ay palakasan. Walang ­puwedeng magsabi na ito ay binayaran. We made sure na hindi ganoon. Lahat kayo ay pinagpaguran niyo ito through [your own] merits,” ayon kay Abalos.

Kasabay nito, nanawagan ang DILG Chief sa mga bagong recruits ng PNP na huwag susuko at manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok na maaaring kaharapin at paghandaan din ang deployment sa BARMM.

“You will be training physically, mentally to become instruments of peace. Undeniably, you will face challenges, hardship, struggles. At the end of this road, there is triumph. Kung me­rong bagyo, merong araw. Kung may kadiliman, merong kalinawan,” ani Abalos.

Sa panig naman ni BARMM  Deputy Senior Minister Abdullah Cusain na kumatawan kay Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, pinapurihan nito ang mga bagong PNP recruits na hinikayat nitong maging mabubuting public ser­vants.

vuukle comment

MILF

MNLF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with