^

Bansa

Thanksgiving Procession sa Quiapo ngayong Sabado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Uumpisahan ng isang thanksgiving procession ngayong Sabado ng gabi sa Quiapo ang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno bago ang pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion.

Sa anunsyo ng Quiapo Church, nasa 33 misa ang isasagawa mula ngayong Sabado hanggang sa Ene­ro 9, 2024.

Iikot ang prusisyon sa paligid lang ng Minor Basilica ng Black Nazarene o ang Quiapo church.

Mula Disyembre 31 hanggang Enero 8, 2024, mapapakinggan din sa Radio Veritas ang “Misa Nobenaryo” o novena mass.

Magkakaroon din ng “village visitation” mula Enero 1-6, blessing ng mga replica ng Nazareno at prusisyon sa Enero 3 at 4 dakong ala-1:30 ng hapon.

Sa Enero 6, alas-6 ng gabi, magkakaroon ng misa para sa mga volun­teers at susundan ng “Pahalik” dakong alas-7 ng gabi sa Enero 8 sa Quirino Grandstand.

Magkakaroon rin ng “Panalangin sa Takipsilim” sa Enero 8 alas-5:30 ng hapon at iba pang prog­rama.

Isang Fiesta Mass ang isasagawa sa hating­gabi ng Enero 9 na pangu­ngunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

QUIAPO CHURCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with