^

Bansa

Pulis nakadisgrasya ng 5 sa pagpasok sa 'EDSA bus lane,' sibak sa pwesto

James Relativo - Philstar.com
Pulis nakadisgrasya ng 5 sa pagpasok sa 'EDSA bus lane,' sibak sa pwesto
Makikita sa video ang biglang pagpasok ng isang police mobile sa EDSA Bus Carousel Lane, ika-27 ng Disyembre, 2023, dahilan para umiwas ang isang pampasaherong sasakyan at sumalpok sa railing ng MRT-3.
Video grab mula sa Facebook ng Department of Transportation

MANILA, Philippines — Haharap sa reklamong "reckless driving" ang pulis na nagmamaneho ng isang mobile matapos pumasok ng EDSA Bus Carousel Lane, dahilan para sumalpok ang isang pampasaherong sasakyan sa MRT-3 railing.

Miyerkules nang gabi nang ipaskil ng Department of Transportation (DOTr) ang CCTV footage ng insidente. Makikitang biglang pumasok ang isang police vehicle sa naturang lane, dahilan para umiwas ang bus at bumangga sa bandang MRT-3 Santolan south bound station.

"Kausap na po namin yung district director ng [Quezon City Police District] at kakasuhan po yung pulis natin ng reckless driving dahil sa nangyaring insidente kung saan pumasok nga po siya doon sa bus carousel lane," ani Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo sa ulat ng ABS-CBN News.

"Nakausap na rin po natin mam yung director ng National Police Training Institue at pini-prepare na rin po nila yung pagsampa po ng administrative case laban po dito sa pulis na may hawak po at nagda-drive po ng PNP vehicle."

 

 

Dagdag pa ni Fajardo, ni-relieve na sa pwesto ang pulis, na sinasabing nakatalaga sa National Police Training Institute.

Una nang sinabi ng DOTr na nagtamo ng galos, bukol at matinding pagkahilo ang limang pasahero. Agad naman silang nirespondehan ng ambulansya mula sa Quezon City local government unit at dinala sa Labor Hospital.

Bawal sa bus lane

Ani DOTr Command and Control Operations Center chief Charlie Del Rosario, hindi otorisadong dumaan sa bus lane ang pulis ng inirereklamong pulis.

"Hindi po [ito] patrol vehicle ng PNP po, so hindi po ho siya dapat papasok sa busway," paliwanag ni Del Rosario.

"Iyon lamang pong patrol vehicle nila, alam po natin ung mga patrol vehicle yung mga may blinker, yan ung may mga marks ng PNP [ang puwedeng pumasok sa bus lane]."

Bukod sa mga ambulansya, trak ng bumbero at PNP personnel na rumeresponde sa emergency, tanging ang sumusunod lang ang pinapayagang gumamit ng carousel lane:

  • presidente
  • bise presidente
  • speaker of the House of Representatives
  • Senate president
  • chief justice ng Korte Suprema

Oktubre lang nang itaas ng Metropolitan Manila Development Authority sa hanggang P30,000 ang multa para sa mga indibidwal na lalabag sa exclusive bus carousel lane regulation sa EDSA.

BUS

EDSA BUS CAROUSEL

MRT-3

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY POLICE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with