Pagtatayo ng permanenteng istruktura sa Ayungin, pag-aralang mabuti — AFP
MANILA, Philippines — Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kailangan na pag-aralan at pagplanuhang maigi ang isinusulong ng ilang mambabatas na pagtatayo ng permanenteng istruktura sa Ayungin Shoal.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, dapat na isangguni sa lahat ng concerned agencies ang planong permanent structure upang maiwasan ang anumang gulo o usapin.
Nabatid na isinulong sa Kamara ang ?100-million pondo para rito.
“Siguro po pagpaplanuhan pa iyan kasi it should be an inter-agency program, kasi ang nami-mention po na structure is para siyang shelter para sa mga fisherfolks and therefore it will involve different government agencies. Now, kami sa AFP will be ready to undertake or to perform our task that will be given in the implementation of that project,” dagdag ni Aguilar
Sinabi ni Aguilar na ang balak ng mga mambabatas ay magkaroon ng tila shelter sa lugar para sa mga mangingisda.
Nangangahulugan lamang na mangangailangan aniya ito ng involvement ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Tiniyak ni Aguilar na sila sa AFP ay handa namang sumunod anuman ang iutos sa kanila, sakaling ipatupad ang proyektong ito.
- Latest