^

Bansa

E-wallet, electronic fund transfer giit ilibre sa maliliit na transaksyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
E-wallet, electronic fund transfer giit ilibre sa maliliit na transaksyon
Stock image of a mobile phone.
Image by Pexels from Pixabay

MANILA, Philippines — Nais ng isang mambabatas na ilibre na sa bayarin ang mga e-wallet at iba pang mga electronic fund transfer providers na nago-operate sa bansa sa bayad sa mga maliliit na transakyon.

Si Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan ay nag­hain ng House Bill (HB) 9749 na tinawag ding “Electronic Wallet and Electronic Fund Transfer Small Value Transaction Fee Waiver Act” na tutukoy sa maliliit na transaksiyon na nagkakahalaga ng P1,000 pababa.

Nilalayon ng panukala na ma-waive na ang pagbabayad sa pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng e-wallets, pagdeposito at pagwi-withdraw gayundin sa paglilipat ng pondo mula sa e-wallet patungo sa mga bank account.

Sa ilalim ng panukalang batas, kung mapagtibay ito ang bayarin ay maiwa-waive o hindi na papatawan ng bayad sa halagang P2,000 sa mga maliliit na transaksyon.

Inihayag pa ng solon na karaniwang nagsasagawa ng maliliit na transakyon ay hanay ng mga mahihirap kung saan bawat sentimo ay importante sa mga ito para sa kanilang mga pamilya.

ELECTRONIC WALLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with