Nasalanta ng bagyong 'Kabayan', shear line higit 385,000 na — NDRRMC
MANILA, Philippines — Lumolobo pa rin ang bilang ng mga naapektuhan ng pinagsamang epekto ng nagdaang bagyong "Kabayan" at Shear Line, ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ngayong Biyernes lang nang ibalita ng NDRRMC na pumalo na sa 385,817 ang nasalanta ng sama ng panahon, kabilang na ang sumusunod:
- sugatan: 1
- nawawala: 1
- lumikas: 3,376
- nasa loob ng evacuation center: 3,368
- nasa labas ng evuacation centers: 8
Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang patay sa ngayon.
Matatandaang nalusaw na ang naturang bagyo, bagay na nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa MIMAROPA, Davao Region at CARAGA.
"A total of 1,943 damaged houses are rreported in MIMAROPA, Region 10, Region 11, CARAGA," dagdag pa ng NDRRMC.
"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 202,000 was reported in CARAGA."
Umabot naman na sa P11.17 milyong halaga ang naipapamigay na ayuda sa mga nasalanta ng bagyosa Northern Mindanao, Davao Region at CARAGA sa ngayon.
Kabilang na sa assistance na ibinigay ang family food packs at packed lunch.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng may isa pang bagyo na makapasok sa Philippine area of responsibility bago magtapos ang taong 2023.
- Latest