Pagbibitiw ni Tolentino tinanggap ni Zubiri
MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbibitiw ni Senator Francis Tolentino bilang chairman ng Senate Blue Ribbon committee at miyembro ng Commission on Appointment (CA).
Sinabi ni Zubiri, na bagama’t ikinalulungkot niya ang desisyon ni Tolentino na magbitiw ay tinatanggap naman niya ito ng buong paggalang at pang-unawa.
Ayon pa sa senador, ang liderato ni Tolentino sa komite ay efficient at produktibo at epektibo rin nitong ipinatupad ang kapangyarihan at mandato para mag-imbestiga in aid of legislation sa mga usapin ng accountability ng isang public officer.
Tiniyak naman si Zubiri na handa si Tolentino na tumulong sa panel sa pagpapalit ng liderato nito.
Sa tanong naman kung sino ang papalit kay Tolentino, sinabi nito na dadaan pa ito sa masusing konsultasyon ng kanyang mga kasamahan sa Senado.
Iginiit pa ni Zubiri na malaking kawalan ang kailangang punuan sa puwestong iniwan ni Tolentino subalit tiyak naman umano na makakahanap sila ng magaling na abogado sa kanilang hanay.
- Latest