^

Bansa

CSC ngayong Kapaskuhan: ‘Wag mag-solicit ng regalo, pag-inom ng alak sa trabaho iwasan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga em­pleyado ng gobyerno na iwasan ang mag-solicit ng regalo at pag-inom ng alak sa mga opisina sa pagdaraos ng mga Christmas party.

Sa kaniyang mensahe sa 1.9 milyong civil ser­vants sa buong bansa, sinabi ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles ang kahalagahan ng selebrasyon ng Kapaskuhan na bagaman ito ay panahon ng pagsasaya sa mga empleyado ng gob­yerno ay dapat na maging responsable ang mga ito.

“Alam po natin na ito ay panahon ng pagsasaya at pasasalamat para sa isang pinagpalang taon ng buhay at trabaho na nagdaan, pero huwag din nating kalimutan ang a­ting responsibilidad bilang mga kawani ng gobyerno. Let us maintain a professional and conducive working environment even during year-end and holiday celebrations,” saad ni Nograles.

Sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 1100039, ang pag-inom ng mga inuming nakalalasing sa mga tanggapan ng gobyerno ay ipinagbabawal sa mga opisyal at empleyado sa oras ng trabaho.

Aniya, sinumang mahuhuling umiinom ng mga nakalalasing na alak at iba pang mga alcoholic beverages sa oras ng trabaho, pagrereport sa duty na lasing ay papatawan ng disciplinary action at kapag napatunayang guilty sa simple misconduct ay maaring masuspinde ng isang buwan at isang araw hanggang sa anim na buwan sa unang pagkakasala at pagkakasibak sa trabaho sa ikalawang offense.

Samantalang hindi naman dito kasama ang mga ceremonial toasts at pag-obserba sa lokal na nakagawiang mga tradisyon kung saan ang alcoholic beverages ay dapat maging limitado lamang sa malt at wine kung saan hindi dapat magpakalasing ang mga kinauukulan.

Idinagdag pa ni Nograles na ang paghi­ling ng mga raffle prizes o pagso-solicit ng mo­netary kontribusyon mula sa mga kumpanya at stakeholders sa selebrasyon para sa Christmas party ay ipinagbabawal rin sa ilalim ng Republic Act No.6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with