^

Bansa

Pinas palit-istratehiya vs China sa West Philippine Sea – Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas palit-istratehiya vs China sa West Philippine Sea � Marcos
The Mass for a civilian-led Christmas convoy bound for Ayungin Shoal in the West Philippine Sea was disturbed after the Chinese Coast Guard (CCG) followed MV Kapitan Felix Oca during their journey to Lawak Island on December 10, 2023.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kailangang palitan ng Pilipinas ang estratehiya nito sa paghawak sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) dahil hindi umuubra ang “traditional na pamamaraan ng diplomasya” sa China.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panahon na para sa gobyerno ng Pilipinas na gumawa ng bagong paraan kung paano haharapin ang China dahil lumilitaw na ang kasalukuyang mga pamamaraan ay halos hindi umuusad.

Ang kasalukuyang diplomatic efforts sa China ay patungo sa “poor direction,” ayon sa Pangulo.

“Well, to this point, we have resorted to the traditional methods of diplomacy where, should there be an incident, we send note verbal. Our embassy will send a démarche to the Foreign Affairs (Ministry) office in Beijing, but we have been doing this for many years now, with very little progress,” ani Marcos sa panayam ng Japanese media nitong Sabado.

“We have to do something what we have not done before. We have to come up with a new concept, a new principle, a new idea so that we move, as I say, we move the needle the other way. It’s going up, let’s move the needle back, so that paradigm shift is something that we have to formulate,” dagdag ni Marcos.

Ipinunto ng Pangulo na hindi gaganda ang sitwasyon sa WPS kung magpapatuloy ang pakikitungo ng Pilipinas sa China tulad ng pagharap nito sa kasalukuyang sitwasyon sa karagatan.

Ang Pilipinas ay gumawa ng tatlong legal na hakbang tulad ng paghahain ng diplomatic protest sa Chinese Ministry of Foreign Affairs, pagpapatawag kay Chinese Ambassador Huang Xilian at paggawa ng “demarche sa Chinese Ministry of Foreign Affairs officials” para tawagan ang China Coast Guard (CCG).

Sinabi ni Marcos na ang Pilipinas ay magpapatuloy na makikipag-usap sa mga katuwang nito sa Indo-Pacific region at sa “iba pang bahagi ng mundo,” kung kinakailangan upang mabawasan ang tensyon sa WPS.

Hindi aniya gugustuhin ng gobyerno na umabot sa punto na magkaroon ng insidente na maaaring magdulot ng aktuwal na marahas na karahasan.

Ayon sa Pangulo, napakaraming ideya kaugnay sa “para­digm shift,” subalit kabilang sa kasalukuyang pagsisikap ang pag-uusap sa partner ng bansa para makapagpalabas ng joint position.

“We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down,” ani Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na kailangang mabilis na kumilos ang Pilipinas sa pagharap sa China sa WPS dahil naaapektuhan na nito ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with