Malacañang binuksan para sa buong ‘Simbang Gabi’
MANILA, Philippines – Binuksan ang Malacañang Palace sa “tunay na mga may-ari” nito — ang sambayanang Pilipino — sa pagdiriwang ng yuletide season, ayon kay newly appointed Presidential Assistant Cesar Chavez.
“This is the first time that the Palace grounds have been opened to the entire nine Simbang Gabi nights as far as I can remember,” ayon sa Facebook post ni Chavez.
“Never has there been a time that the gates of Malacañang have been thrown wide open to the public this long,” dagdag pa niya.
Ang Malacañang ay binuksan ngayong holiday season bilang gesture upang ipagdiwang ang Filipino tradition ng pagtanggap sa mga bisita tuwing Pasko at pag-imbita sa mga kaanak, kapitbahay at kaibigan sa masayang pagtitipon.
Ipinaliwanag ni Chavez na laging bukas ang Malacañang Palace sa masang Pilipino magmula nang maupo sa puwesto si Presidente Ferdinand Marcos Jr..
“Kung tutuusin, simula nang umupo si Pangulong BBM, bukas naman parati ang Malacanang sa masang Pilipino, but this holiday, President BBM and his family organized a special treat for Filipinos, especially children,” ani Chavez.
“Children, I believe, would love to enjoy the spirit of the season right inside the Palace grounds. Kids can enjoy the rides installed in a carnival setting, or take selfies in front of the magnificently lighted Christmas tree, or families can just walk around the lush garden and savor the cool evening breeze,” sabi pa ni Chavez.
“Malacañang has also transformed the Presidential Palace not only as a place for fun this Christmas, but also a place to practice one’s faith.”
“The traditional Simbang Gabi is held there every night. This is the first time that the Palace grounds have been opened to the public for the entire nine Simbang Gabi nights,” dagdag pa niya.
Para kay Chavez, ito ang pamamaraan ni Presidente Marcos sa pagsasabing, “Being a steward of this government makes me temporary caretaker of Malacanang. I do not own this place. It belongs to the people.”
“Kaugalian nating mga Pilipino na tumatanggap ng bisita tuwing Pasko at imbitahin ang mga kaanak, kapitbahay at mga kaibigan sa makakayanang piging o kasiyahan,” ayon pa kay Chavez.
“Kaya ang pagbubukas ng Palasyo ngayong Pasko ay paraan upang mabati ng Pangulo ang taumbayan na “Tuloy po kayo sa bahay ninyo,” dagdag pa niya.
- Latest