^

Bansa

Bagong Marina chief, itinalaga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Sonia Bautista Malaluan bilang bagong administrador ng Maritime Industry Authority (MARINA), kapalit ni Hernani Fabia na naghain ng kanyang pagbibitiw.

Sa paghirang kay Malaluan, binanggit ni Pangulong Marcos ang kanyang kahanga-hangang pagsasanay at karanasan sa ekonomiya, teknolohiya, pananalapi, batas, pamamahala, pampublikong uti­lity at sa iba pang aspeto ng industriya ng maritime.

Ang MARINA ay isang attached agency ng DOTr.

Naglingkod din siya bilang Director II, Maritime Attaché sa London, Chief Accountant at Chief Transportation Development Officer.

Si Malaluan, isang Certified Public Accountant, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce sa Western Philippine College noong 1987 na may Master’s degree sa Science in Shipping Management mula sa World Maritime University, Sweden noong 1998.

Nakuha rin niya ang kanyang Master’s degree sa Public Administration mula sa Singapore’s National University, Lee Kwan Yew School of Public Policy noong 2011

MARINA

SONIA BAUTISTA MALALUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with