P20K bonus sa empleyado ng gobyerno, aprub ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Magbibigay ng service recognition incentive (SRI) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga empleyado ng gobyerno.
Nakasaad sa Administrative Order No. 12 ang one-time grant na P20,000 bawat empleyado sa executive department.
Kuwalipikadong makatanggap ng SRI ang mga civilian personnel sa national government agencies (NGAs), saklaw ang mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual employees, mga miyembro ng AFP, PNP, BFP at BJMP.
Pasok din sa SRI grant ang mga personnel mula sa BuCor, Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), mga empleyado ng Kongreso, Hudikatura, Office of the Ombudsman at Constitutional offices.
Maari ring makatanggap ng SRI ang mga empleyado sa mga local government units, kabilang na sa mga barangay, depende sa financial capability ng LGU at subject sa limitasyon ng kanilang budget.
Ang P20,000 SRI ay ibinibigay sa mga empleyado na may regular, contractual o casual na posisyon; nasa serbisyo pa rin ng gobyerno hanggang Nobyembre 30, 2023.
- Latest