^

Bansa

Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo
Rice dealers display rice and their prices at New York Street, Cubao, Quezon City on April 16, 2023.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market.

Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, hindi lamang sa Kamaynilaan mataas ang presyo ng bigas, kundi maging sa mga rice producing pro­vinces din.

Tinukoy ni Estavillo ang Aurora province, na nasa P52 kada kilo ang pinakamurang bigas.

Nakakalungkot aniya ang reyalidad, lalo na at magpa-Pasko pa naman.

Babala naman ni Estavillo, maaaring magpapatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bigas sa panahon ng Kapaskuhan at umabot pa ng hanggang P60 kada kilo bunsod ng kawalan ng konkretong solusyon ng pamahalaan.

“Nakakatakot. Baka aabot talaga ng P60 per kilo ‘yong mga regular-milled rice given na wala namang nagagawang concrete na solusyon ‘yong gobyerno bagkus ay mag-import,” aniya, sa panayam sa Teleradyo Serbisyo.

CATHY ESTAVILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with