^

Bansa

Scholarship, Incentives sa kabataan inilunsad ni Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isa na namang programa ang inilunsad ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para matulungan ang mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang paglulunsad ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth, isang inisyatiba ng Office of the Speaker katuwang ang administrasyong Marcos sa pilot-launch nitong Sabado sa West Visayas State University Cultural Center sa Iloilo City.

“Sa utos ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa pakiki­pagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ini­lunsad natin ang ISIP para sa Kabataan. Layon ng programang ito na tulungan ang mga karapat-dapat na estudyante na kapos sa pondo para makapagpatuloy sa de-kalidad na edukasyon,” ani Speaker Romualdez.

Ang ISIP ay isang financial assistance initiative para sa mga estudyante sa high school, Alternative Learning System, tertiary level, at vocational education institutions.

Kabuuang 2,000 estudyante sa lalawigan ng Iloilo ang tatanggap ng tig-P2,000 tulong kada buwan sa loob ng anim na buwan mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD upang tulungan ang mga ito sa kanilang mga bayarin.

Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap din ng P15,000 taunang tulong sa ilalim ng Tulong Dunong program ng Commission on Higher Education (CHED). Matatanggap nila ito sa Enero ng susunod na taon.

Ang mga napiling estudyante ay bibigyan din ng slot sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) matapos magtapos at ang kanilang magulang o guardian ay isasama rin sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“This is to ensure that these students will eventually become our partners in nation-building. Nakaka­gana pong mag-aral pag alam mong may internship ka sa gobyerno pagka-graduate mo,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ang ISIP for the Youth ay isang proyekto na pagtutulungan ng DSWD, DOLE, CHED, at TESDA.

ISIP

MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with