^

Bansa

Ekonomiya pumapalag sa inflation – mga mambabatas

Philstar.com
Ekonomiya pumapalag sa inflation – mga mambabatas

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kinakaharap na global economic challenges ng mga Pilipino ay sinabi ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso na epektibong napigilan ng gobyerno ang karagdagang krisis sa pamamagitan ng pagpapalakas sa employment, na nag-uudyok sa paglago ng ekonomiya at pagbagal ng inflation.

Ayon kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr., hindi lamang pumalo ang  employment rate sa 95.8%, ang pinakamataas sa loob ng  18 taon, kundi lumago rin ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.9% sa  third quarter ng taon, ang pinakamalakas sa major Asian economies. 

Sinabi ni Haresco, miyembro ng House Economic Affairs Committee, na bumagal din ang inflation mula 4.9% noong October sa 4.1% noong November, habang ang unemployment ay bumaba mula 4.5% noong nakaraang taon sa 4.2% ngayong taon. 

Lumabas din sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ang overall hunger ay bumaba mula  10.8% noong June sa 7.7% noong September, ayon pa sa mambabatas.

“These are the unmistakable fruits of government policies to boost employment, spur economic growth and tame inflation,” sabi ni Haresco, na miyembro rin ng House Labor and Employment Committee.

Sa kabila ng kinakaharap na global economic challenges ng mga Pilipino ay sinabi ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso na epektibong napigilan ng gobyerno ang karagdagang krisis sa pamamagitan ng pagpapalakas sa employment, na nag-uudyok sa paglago ng ekonomiya at pagbagal ng inflation.

Gayundin ay sinabi ni Sen. Francis Tolentino na pinatunayan ng latest employment figures na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga inisyatibo ng administrasyong Marcos ay may kakayahang tiyakin ang matatag na paglikha ng mga dekalidad na trabaho.

“Accelerated government spending not only created jobs but also stimulated economies of where infrastructure projects are being built,” pahayan ni Tolentino, miyembro ng Senate Labor, Employment and Human Resources Development Committee.

“These new public works are key to attracting investments and increasing productivity which in turn generate employment and taxes which in turn fund more infra construction,” sabi pa ng senador.  

“This is the virtuous cycle in fiscal management the government has been practicing. Build Better More is also a jobs program.”

EKONOMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with