^

Bansa

Suspek sa pambobomba ng unibersidad sa Marawi nasakote

James Relativo - Philstar.com
Suspek sa pambobomba ng unibersidad sa Marawi nasakote
Litrato ni Jafar Gamo Sultan alyas Jaf/Kurot, isa sa mga suspek at diumano'y kasabwat sa pagpapasabog sa Mindanao State University
Released/Armed Forces of the Philippines

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsamang pwersa ng Task Force Marawi at Marawi City police ang isa sa mga pinaghihinalaang "kasabwat" sa pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU).

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ika-6 ng Disyembre nang madakip si Jafar Gamo Sultan alyas Jaf/Kurot matapos ang pagsabog sa misang Katolikong ikinamatay ng apat at ikinasugat ng 45 noong nakaraang linggo.

"The suspect, who was apprehended in an operation in Brgy Dulay Proper in Marawi, is companion of a certain Omar, the person identified by witnesses to have placed the improvised explosive device at the Dimaporo Gymnasium," sabi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas nitong Biyernes.

"Also seized by troops are two motorcyles."

 

 

Ika-3 ng Disyembre nang mangyari ang naturang pagsabog sa Dimaporo Gymnasium ng MSU. Dinaluhan ng mga estudyante at guro ang naturang misa. Inako ng Islamic State ang pagbabasabog.

Una nang inilutang ng mga otoridad ang anggulong "paghihiganti" sa pagkakamatay ng 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah noong ika-1 ng Disyembre sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang diumano'y miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute group sa likod ng pagpapasabog: sina Kadapi Mimbesa at Arsani Membisa.

Itinuturing ng gobyernong pro-Islamic State ang Dawlah Islamiyah. Matatandaang sinabi ng Department of National Defense na maaaring may "foreign element" sa pambobomba.

"This development shows the seriousness of the government in capturing the perpetrators of the terrorist attack on innocent civilians and in ensuring that similar incidents will not happen again," dagdag pa ng AFP.

"It also demonstrates the AFP's commitment to its mandate as protector of the people and the state."

Kinundena ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang karumaldumal na krimen at nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga pamilya.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BOMBING

ISLAMIC STATE

MINDANAO STATE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with