^

Bansa

5 government agencies, iskul binulabog ng bomb threat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
5 government agencies, iskul binulabog ng bomb threat
Members of the Manila Police District (MPD) - Civil Disturbance Management (CDM) conduct final preparations on July 22, 2023 in time for President Bongbong Marcos Jr.’s second State of the Nation Address (SONA) on July 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Limang tanggapan ng pamahalaan sa Maynila at paaralan mula Laguna ang nakatanggap ng pananakot sa pamamagitan ng bomb threat.

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) mula sa kumakalat na email ng isang Takahiro Karasawa na isang abogado umano na buhat pa sa Japan.

Kabilang sa mga pinadalhan ng naturang email ay ang mga tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Labor and Employment (DOLE).

Gayundin ang National Museum of the Philippines, National Police Commission (NAPOLCOM), at ang Pangil Elementary School sa Laguna.

Ngunit ayon kay PNP-Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, pawang negatibo ang impormasyon sa mga naturang tanggapan matapos ang isinagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Fajardo, hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang naturang pangalan dahil may kumalat na ring katulad na email noong buwan ng Setyembre at Oktubre.

Sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na hindi pa rin pakakampante ang PNP lalo pa’t mainit pa ang usapin ng pagpapasabog sa ­Mindanao State University sa Marawi City.

Apela ng PNP sa publiko, iwasang ikalat ang mga ganitong impor­masyon sa social media sa halip ay mas makabubuting ipagbigay-alam muna ito sa mga awtoridad upang agad maaksyunan.

vuukle comment

BOMB

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with