DOH naglinaw: 'Walking pneumonia' cases ng Pilipinas magaling na
MANILA, Philippines — Inilinaw ng Department of Health (DOH) na nag-"recover" na ang mga kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas, bagay na pinangangambahan ngayon ng publiko.
Miyerkules lang kasi nang kumpirmahin ng kagawarang umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o "walking pneumonia" ang naitatala sa bansa magmula pa Nobyembre.
"[T]he DOH wishes to clarify and emphasize that the detected cases are NOT NEW," sambit ng DOH sa isang pahayag na media kagabi.
"Only 4 (0.08%) of the confirmed influenza-like illness] from January up to November 25, 2023 were due to M. pneumoniae or 'Walking Pneumonia.' All these cases have recovered."
Ika-30 lang ng Nobyembre lang nang pag-ingatin ni Health Undersecretary Eric Tayag ang publiko sa pagtaas ng kaso ng walking pneumonia — sakit na "95% drug resistant" sa Tsina.
Maliban sa Tsina at Pilipinas, aminado ang DOH na hindi pa ito nakikita sa ibang bansa.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ianunsyo ng gobyernong wala pang outbreak ng naturang sakit sa bansa.
Hindi dapat mabahala?
Tiniyak naman ng DOH na lagpas kalahati ng mga ILI cases ay mula sa iba pang mas kilalang pathogens.
"We have medicines that can treat M. pneumoniae: and we can easily prevent its transmission," dagdag pa ng DOH.
"It is one of the [ILIs], which presents as fever, sore throat, and cough. Younger children may have cold-like symptoms."
Bagama't lahat daw ay maaaring magawaan nito, mas malaki aniya ang posibilidad na mag-develop ng severe disease ang mga may mga mahihinang resistensya at nakatira sa mga kulob na lugar.
Hindi naman na raw bago at kakaiba ang pag-detect ng DOH sa M. pneumoniae. Mas mahalaga pa, maiiwasan aniya ang pagpapasahan nito sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, sapat na bentilasyon at pagpapabakuna.
- Latest