Barkong may sakay na Pinoy sa Yemen ginawang tourist attraction
MANILA, Philippines — Naging tourist attraction na sa mga Yemenis ang Galaxy Leader commercial ship na may sakay na Filipino crew na hinayjack noong nakaraang buwan na ngayon ay nakadaong sa Red Sea Port.
Nabatid na pinapayagan ng mga Houthis ang mga turista na maglibot sa loob ng deck ng barko. Makikita ang watawat ng US at Israel sa lawak ng deck.
Ayon kay Houthi media officer, Sameer Al-Rabit, pinatutugtog ang iba’t ibang moral song na maririnig sa tower ng barko.
Nabibigyan din ng pagkakataon ang mga crew members ng koneksiyon at kontak sa kanilang mga pamilya para sa kanilang kalayaan.
Kabilang sa mga crew na nasabing barko ay mula sa Bulgaria, Ukraine, Philippines, Mexico at Romania.
Sinisisi ng Amerika ang Houthis sa serye ng mga pag-atake sa Middle Eastern waters simula nang magsagupa ang Israel at Palestinian.
- Latest