Ika-200th health center ng SM Foundation, naghatid ng bagong pag-asa sa Laguna
MANILA, Philippines — Binuksan na ng SM Foundation ang kanilang ika-200 health center sa bansa.
Ang bagong Santa Cruz Rural Health Unit (SCRHU) ay matatagpuan sa lalawigan ng Laguna at inaasahang magsisilbi at magbibigay ng bagong pag-asa sa may 140,000 na residente.
Ang naaabot nito ay lampas pa sa kanilang immediate community dahil welcome ring magtungo doon at magpagamot ang mga kalapit na munisipalidad, pangunahin na ang mga low-income households.
Sa loob ng halos isang dekada na, si Dr. Elmina Montesa ang nagsilbing guiding force sa likod ng lumang SCRHU.
Sa loob ng ilang taon, siya at ang kanyang mga kapwa health workers ay patuloy na nagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan, sa gitna ng mga maliliit na espasyo, hindi sapat at lumang pasilidad.
Sa tulong naman ng SM Foundation, ang naturang center ay pinaganda at may hatid nang warmth o init sa publiko. Mayroon na rin itong comfortable waiting areas para sa mga pasyente at reception para sa mga health workers.
Nakipag-collaborate rin ang SM Foundation sa Sta. Cruz, Laguna upang maghatid ng pinakamahusay na pag-aalaga sa komunidad upang madagdagan ang access sa healthcare at mapataas ang morale ng mga modern-day heroes.
Ang dating masikip na center, iniangat ng SM Foundation ang SCRHU, na tumatalima sa guidelines ng DOH.
Ayon sa SM Foundation, ang mga rural health centers ay higit pa sa pagiging gusali dahil ang mga ito ay ‘lifelines,’ na nag-aalok ng comprehensive range ng health services sa maliit na halaga at minsan ay libre pa sa pinaka-vulnerable na mamamayan.
- Latest