Walang outbreak ng ‘walking pneumonia’ sa Pinas - DOH
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na walang outbreak ng ‘walking’ pneumonia sa Pilipinas.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Herbosa matapos ang deliberasyon ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang appointment bilang kalihim ng DOH.
Ayon kay Herbosa, bagamat dumarami ang mga kaso ng pneumonia ay wala pa namang outbreak nito.
Talaga lamang aniyang ngayon ay panahon nang pagsusulputan ng mga respiratory illness.
“Sa Philippines po, wala pang outbreak, according to our Epidemiology Bureau. Although marami ang cases because ito po talaga ‘yung season ng respiratory illness,” paliwanag pa ni Herbosa.
Nabatid na ang ‘walking pneumonia’ ay isang mild bacterial infection na kahalintulad ng sipon.
Hindi naman umano ito nangangailangan ng bed rest o pananatili sa ospital.
- Latest