^

Bansa

Mas komprehensibong SOGIE bill, isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang komprehensibong anti-discrimination measure na mas higit pa sa Sexual Orientation and Gender Identity Expression o SOGIE Equality bill.

“While the SOGIE Equality bill is important, it’s imperative that we extend our efforts to combat bias based on various factors, fostering the creation of a truly inclusive society,” ayon kay Villanueva.

Ang pahayag ay ginawa ng majority ­leader sa gitna na muling panawagan para sa pagpasa ng SOGIE Equality bill kung saan inakusahan ng ilang mga supporter ng panukala si Villanueva na siyang dahilan ng pagkaantala ng pagpasa nito.

Sa budget deliberation ng Senado ay sinabon ng mga senador ang Commission on Human Rights (CHR) matapos isa sa mga opisyal nito ang nagpetisyon na humikayat para sa agarang pagpasa ng naturang panukula.

Sa isang video clip ni Atty. Krissi Shaffina Twyla Rubin, officer-in-charge ng CHR’s Center for Gender Equality & Women’s Human Rights, sinabi nito na mayroon silang petisyon o love letter sa mga senador na ang tinutukoy ay si Villanueva na nananawagan na pakinggan ang LGBTQ community at ipasa ang SOGIE equlity bill.

“Hindi n’yo ba ako maaaring madinig muna yung aking adhikain at ang mga panukalang batas na aking inihain dito sa Senado bago kayo magdesisyon na pipetition niyo po ako, bago po kayo magdesisyon, natatayo sa entablado, yurakan ang aking pagkatao,” pahayag pa ng Senador.

Sinuportahan naman nina Senators Jinggoy Estrada at Alan Peter Cayetano si Villanueva sa kanyang hindi pagsang-ayon sa pahayag ni Rubin.

Giit ni Cayetano ang pagsalungat sa SOGIE bill ay hindi katumbas na pagiging kontra sa LGBTQIA plus community.

Iginiit naman ni Villanueva ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa indibidwal mula sa diskriminasyon batay sa edad, disability, ethnicity at iba pa.

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with