‘Smartmatic, a cheating machine’

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Presidential Adviser on Poverty Alle­viation Secretary Larry Gadon and Commission on Elections sa pagdidiskwalipika nito sa service provider Smartmatic sa lahat ng mga bidding ng ahensiya para sa mga halalan pang darating.

“Smartmatic is a cheating machine,” ani Gadon.

Ayon kay Gadon ang Smartmatic ang siyang nangdaya kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos noong 2016 nang tumakbo ito bilang Bise Presidente gayundin sa ilang senatorial candidates noong 2022.

Hindi lamang nakapandaya ang Smartmatic noong 2022 dahil nakita ng publiko ang “”overwhelming turn out of voters” kung saan nakakuha ng 31M boto si Marcos­.

Ang petisyon laban sa Smartmatic ay inihain nina dating Department of Information and Commu­nications Technology chief Eliseo Mijares Rio Jr., Augusto Cadelina Lagman, Franklin Fayloga Ysaac, at Leonardo Olivera Odono noong Hunyo 15.

Sinasabi sa kanilang petisyon na ang Smartmatic ay nabigong makasunod sa ilang minimum system capabilities na nagresulta sa serious at grave irregularities sa pahahatid ng mga resibo ng election return noong 2022 elections.

Show comments