^

Bansa

Romualdez namahagi ng ayuda, scholarships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na makasama ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamilya nitong weekend, namahagi ito ng P500 milyong ayuda at mga programa sa mga taga-Isabela Province sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Speaker Romualdez si Deputy Speaker at Isabela Rep. Tonypet Albano at iba pang lokal na mga opisyal ng lalawigan.

“Batid po namin na hindi madali sa inyo na humingi ng tulong sa pamahalaan sa Maynila, kaya kami na po ang nagpunta dito”, ani Romualdez sa mga tao.

Bukod sa Cash Assistance at Rice Distribution (CARD), sa pagtutulungan ng Kongreso at Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi rin ng mga TESDA at CHED scholarship si Romualdez.

Paniguro pa ng lider ng Kongreso, “hindi po ito ang huli kundi marami pang ayuda ang ibibigay ng inyong pamahalaan dahil hindi po kayo nakakalimutan”.

Matapos ang pagbigay ng ayuda sa Isabela, ay balik Maynila si Speaker Romualdez para personal na magpaabot naman ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa Asia-Pacific Parliamentarian forum (APPF) na ginanap sa PICC.

Labing-siyam na bansa mula sa Asya at Pacific Region ang nagpadala ng kanilang mga senador at members of parliament o mga mambabatas.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang bansang Qatar na naging daan sa pagpapalaya sa Pinoy na si Jimmy Pacheco at 50 pang bihag ng Hamas. (30)

vuukle comment

BPSF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with