Marcos nagbigay ng amnestiya sa NPA rebels
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang executive order at ilang proclamations na nagkakaloob ng amnestiya o pardon sa mga rebelde para mahikayat sila na magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa inilabas na Proclamation No. 404, binigyan ng pardon o amnesty ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na nakagawa ng krimen na ang parusa ay batay sa Revised Penal Code and Special Penal laws.
Pero hindi sakop sa pardon and mga rebeldeng nahaharap sa kasong rebellion or insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees at iba pang mabibigat na krimen.
Inaprubahan din ng Pangulo ang Proclamation Nos. 405 at 406, na nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), na nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Revised Penal Code at “Special Penal Laws to advance to political their beliefs.”
Batay naman sa Proclamation No. 403, inaprubahan ng Pangulo ang amnestiya para sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas.
Hindi naman sakop ng Proclamation ang mga rebeldeng nakagawa ng kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity.
Maging ang mga krimen na ginawa “for personal ends,”paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Paglabag sa Geneva Convention of 1949, at genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang paglabag sa karapatang pantao ay hindi sakop ng proklamasyon.
Pinirmahan ang EO No. 47 ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Pangulo nitong November 22, 2023, at inamyendahan bilang Executive Order No. 125, series of 2021, o ang pagbubuo ng National Amnesty Commission.
- Latest