^

Bansa

Ampatuan hinatulang makulong ng 210 taon sa graft case

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ampatuan hinatulang makulong ng 210 taon sa graft case
Ang paglalabas ng guilty verdict kahapon ng Sandiganbayan ay kasabay ng ika-14 taong ani­bersaryo ng Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 mediamen noong November 23, 2009.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan 6th Division na makulong ng 210 taon si Datu Unsay Andal Ampatuan Jr. matapos mapatunayang guilty sa 21 kaso ng graft kaugnay ng ginawang pagsusuplay ng langis sa Maguinda­nao provincial government.

Ang paglalabas ng guilty verdict kahapon ng Sandiganbayan ay kasabay ng ika-14 taong ani­bersaryo ng Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 mediamen noong November 23, 2009.

Sa desisyon ng graft court, may hanggang 10 taon ang hatol na bilanggo kay Ampatuan Jr. sa kada isa sa 21 kasong graft kaugnay ng kaso.

Pinagbabayad din ng Sandiganbayan si Ampatuan Jr ng P44.1 milyon kaugnay ng kaso.

Bukod dito, pinagbabawalan din ito na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso nang magdesisyon ang Maguindanao provincial government na bumili ng diesel mula sa petrol station ng Ampatuan sa Shariff Aguak nang ang kanyang ama pa ang go­vernor noong 2008.

Napatunayan ng ­korte na nakipagsabwatan ito sa kanyang ama, ang namayapang si Andal Ampatuan Sr., at iba pang opisyal ng gobyerno para mai-award ang kontrata sa pagbili ng krudo sa gasolinahan nito ng walang bidding at sa paglabas ng pondo sa kabila na hindi natapos ang delivery ng biniling diesel.

ANDAL AMPATUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with