DA nagbukas ng exhibit sa magsasaka, mangingisda
MANILA, Philippines — Binuksan nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Kat Pimentel ang exhibit ng Kagawaran ng Pagsasaka na may temang “ “AMIA Isang DekaDA Stories of Resilience”.
Ang exhibit ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA), na isang proyektong inilunsad ng Kagawaran ng Pagsasaka na nagbibigay-diin sa lakas at determinasyon ng mga magsasaka at mangingisda ng Pilipinas sa harap ng pagbabago ng klima.
Iginiit ni Pimentel na maybahay ni Senate Minority Leader Koko Pimentel III, ang kahalagahan ng programa ng AMIA sa konteksto ng pagbabago ng klima.
Bukod dito pinuri rin ni Kat Pimentel ang Programa ng AMIA sa pagtutulungan ng mga komunidad, lalo na ang mga umaasa sa agrikultura at pangingisda, upang maging matatag sa mga negatibong epekto ng pagbabago ng klima.
Binanggit din niya ang isang espesyal na probisyon sa inihaing badyet para sa taong 2024 ng DA na layong mapalakas ang kaligtasan ng mga komunidad sa agrikultura sa pamamagitan ng mga proyektong may matibay na imprastruktura laban sa sakuna at ang pag-develop ng mga binhi na may kakayahang mag-angkop sa mga kondisyon ng klima.
May pag-asa rin umano sa naturang programa kapag magkakasama bilang isang komunidad ay magiging mas matatag at handa sa mga hamon ng pagbabago ng klima.
- Latest