4 bata patay sa sunog
MANILA, Philippines — Patay ang tatlong magkakapatid at pinsan ng mga ito na 11 buwang gulang nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Brgy. Tisa, Cebu City, kahapon ng umaga.
Hindi na makilala pa ang katawan ng mga biktimang sina Angelo Bayaton, 10; Crylle Bayaton, 6; Christina Bayaton, 1; at ang 11-buwang gulang na si Amari Zane Cabornay nang makuha sa lugar.
Nagtamo rin ng mga paso sa katawan sina Gelou Cabornay, 31 at Pristine Cabornay, 30.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang sunog, alas-5:55 ng umaga sa bahay ng mga biktima sa Sitio Upper Capaculan sa Barangay Tisa.
Napag-alamang maagang umalis ang magulang ng mga biktima upang magtrabaho at naiwan ang mga biktima sa bahay.
Ayona kay Fire Officer Fulbert Navarro nagulat na lamang ang mga residente nang makitang sumiklab ang apoy kung saan natutulog ang mga biktima.
Mabilis na kumalat ang apoy at hindi na nakalabas pa ang mga biktima at dakong alas-6:15 nang ideklarang fireout ang sunog.Inaalam pa rin ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
- Latest