^

Bansa

Lawyers kay VP Duterte: Pagpasok ng ICC vs Digong drug war 'constitutional'

James Relativo - Philstar.com
Lawyers kay VP Duterte: Pagpasok ng ICC vs Digong drug war 'constitutional'
Building of the International Criminal Court in The Hague, Netherlands.
Wikimedia Commons

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng isang grupo ng mga progresibong abogado na hindi labag sa 1987 Constitution ang pagpapapasok sa mga prosecutors ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para mag-imbestiga sa madugong war on drugs.

Ito ang inilinaw ng National Union of People's Lawyers (NUPL) matapos idiin ni Bise Presidente Sara Duterte na "unconstitutional" ang pagpapapasok ng ICC sa bansa para imbestigahan si dating Presidente Rodrigo Duterte — kanyang ama — kaugnay ng crimes against humanity.

"She is wrong. It must be remembered that the Rome Statute was approved by the Philippines through the acquiesence of the Philippine Senate," wika ni NUPL president Cortez sa panayam ng Philstar.com, Huwebes.

"Part of that treaty is a provision that in case of withdrawal from the treaty, the ICC retains jurisdiction over cases filed within one year from the time such withdrawal was made known."

Natataon ang lahat ng ito ngayong nakahain sa Kamara ang ilang resolusyong humihikayat sa gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa kampanya ni Digong, bagay na pumatay sa mahigit 6,000 - 30,000 katao. Ang ilan sa kanila, inosente.

Matatandaang binawi ni Duterte ang ratipikasyon ng Pilipinas sa Rome Statute — ang tratadong bumuo sa ICC — noong 2018 matapos makatanggap ng mga kritisismo sa kanyang pamamalakad lalo na sa larangan ng human rights.

"Notably, a withdrawal takes effect a year after it was made known. This is now a matter of the Philippine Government complying with its international obligation by complying with what it agreed in the first place. So no violation of the Constitution," dagdag pa ni Cortez.

'Local courts lang may jurisdiction'

Ngayong araw lang nang idiin ni VP Sara na "hindi naaayon sa Saligang Batas" ang nilalaman ng mga biglaang joint meetings ng Kamara patungkol sa ICC juristiction sa Pilipinas.

"To allow ICC prosecutors to investigate alleged crimes that are now under the exclusive jurisdiction of our prosecutors and our Courts is not only patently unconstitutional but effectively belittles and degrades our legal institutions," sabi ng bise.

"Huwag nating insultuhin at bigyan ng kahibhiyan ang ating mga hukuman sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo na tayo ay nainiwala na mga dayuhan lang ang tanging may abilidad na magbigay ng katarungan at hustisiya sa ating sariling bayan."

Sa kabila nito, may obligasyon pa rin talaga ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC kahit na hindi na ito miyembro. Pwede kasing imbestigahan ang mga paglabag na nangyari habang miyembro pa ang bansa.

Ayon sa Article 127 ng Rome Statute: 

"Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective."

Ang ICC, bilang "court of last resort," ay binuo para i-compliment at hindi palitan ang mga lokal na korte. Karaniwan itong pumapasok sa tuwing hindi gumagana ang mga lokal na korte para panagutin ang mga krimen gaya ng:  genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression.

Matatandaang pinaninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC nitong Hulyo 2023. 

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

NATIONAL UNION OF PEOPLE'S LAWYERS

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with