^

Bansa

DFA: 17 Pinoy binihag sa Red Sea ng mga rebelde mula Yemen

James Relativo - Philstar.com
DFA: 17 Pinoy binihag sa Red Sea ng mga rebelde mula Yemen
A grab from handout footage released by Yemen's Huthi Ansarullah Media Centre on November 19, 2023, reportedly shows members of the rebel group during the capture of an Israel-linked cargo vessel at an undefined location in the Red Sea. Israeli ships are a "legitimate target", Yemen's Huthi rebels warned on November 20, a day after their seizure of the Galaxy Leader and its 25 international crew following an earlier threat to target Israeli shipping over the Israel-Hamas war.
AFP/Ansarullah Media Centre

MANILA, Philippines — Halos 20 Pilipinong mandaragat ang binihag ng grupong Houthi mula Yemen matapos pasukin ng huli ang isang cargo ship sa timog bahagi ng Red Sea, pagkukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkules.

Ayon pa kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, posibleng may koneksyon daw ang naturang aksyong ito sa digmaang nangyayari sa pagitan ng mga militanteng Palestino at Israel.

"May 17 na Pilipino ayon sa manning agency... kasama iba't ibang dayuhan," wika ni De Vega sa panayam ng GMA News kanina.

"Nababahala tayo dito. This is not the first time na may na-hostage na ganyan. Meron itong koneksiyon sa giyera ngayon sa Hamas at Israel dahil tinarget nila itong bapor na ito dahil Israeli-owned daw although Japanese 'yung company."

Sinasabing kaalyado ng mga Houthi ang Hamas at gobyerno ng Yemen, maliban pa sa paminsan-minsang pakikipag-kaibigan sa Rusya. Patuloy ang pakikipagbakbakan ang Hamas atbp. Palestinian groups sa Israel, na kilalang iligal na umookupa sa naturang estado, ayon na rin sa United Nations.

Gayunpaman, umaasa ang DFA na tutupad sa usapan ang mga hostage-takers na wala silang sasaktang banyagang bihag.

Nakatakda naman na raw ngayong araw ang isang pagpupulong kasama ang Malacañang para mapag-usapan kung paano magandang harapin ang sitwasyon.

"Hindi namin pababayaan ang kanilang kapakanan. The safety of our kababayans abroad is a paramount policy and priority ng ating pamahalaan. Antabayanan ninyo at makakahanap tayo ng paraan na masagip sila," dagdag pa ni De Vega.

Una nang nabalitang cargo ship ng Israel ang sasakyang pandagat. Kilalang kalaban ng Zionist state ng Israel ang mga Houthi.

Matatandaang sinabi ng tagapagsalita ng nasabing grupo na tinatrato nila ang crew ng nakuhang sasakyang pandagat alinsunod sa prinsipyo at pananaw ng Islam.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FILIPINOS

HOSTAGE

RED SEA

YEMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with