Senator Villar: Suportahan ang ating produkto
MANILA, Philippines — Tinukoy ni Sen. Cynthia Villar ang halaga ng pagbili ng ating sariling produkto para makatulong na magkaroon ng isang malakas na ekonomiya.
Sa pahayag sa Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) Calabarzon Food Solutions Hub (CFoSH) sa Sta. Rosa, Laguna, hinimok ni Villar ang lahat na tangkilikin ang one-stop shop ng Laguna local products.
Sinabihan din niya ang mga ito na suportahan ang maliliit na negosyo at ang Association of Laguna Food Processors (ALAFOP).
Pinuri niya ang ALAFOP sa pagbuo ng grupo ng processed food manufacturers upang palakasin ang kanilang puwersa. Sa ngayon, meron na silang 79 kasapi simula nang binuo iti noong 2009 na may 12 miyembro.
“They intend to give jobs and additional income to our people in Laguna,” sabi ni Villar.
Meron silang Coconut Virgin Oil, Coconut Sugar, Mulberry Wine, Mulberry Jam, Mulberry Juice, Coconut Skim Milk, Lemongrass Hydrosol, Lemongrass Oil, Filipino snacks at deserts, turmeric beverage at turmeric powder.
“The products of members of Market MSMEs should be accessible to more and bigger market,” further said the senator,” ani Villar na nanguna sa pagbubukas ng trade fair sa Vista Mall Santa Rosa, na nagpapakita sa processed foods ng ALAFOP.
- Latest