^

Bansa

Fry nanggugulo, pauwiin na – Gadon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para kay Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, dapat nang pauwiin at ibalik  sa kanyang pinanggalingan si United Nations (UN) rapporteur Ian Fry dahil sa panghihimasok nito sa bansa.

Ayon kay Gadon, panggugulo lamang ang ginagawa ni Fry nang irekomenda nito ang  pagbuwag sa  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang tulad ni Fry ay hindi dapat na hinahayaang manghimasok sa mga polisiya ng pamahalaan na nakatuon sa pag-aahon sa kahirapan ng marami nating kababayan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar na natutulungan ng NTF-ELCAC.

“He must be thrown where he belong. Walang basehan ang kanyang mga sinasabi para buwagin ang NTF-ELCAC. Ginagawa niya lang ito, para mabayaran ng malaki ng UN,” ani Gadon.

Ang NTF-ELCAC aniya ay itinatag upang mahusay na mapatakbo at maimplementa ang “whole-of nation/government approach” ng pamahalaan para tulungan ang mga Filipino na pinagkakaitan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF at mga kaalyado nito ng kanilang mga Karapatan.

Paggigiit pa ni Gadon, ang NTF-ELCAC ay di lamang suportado ng nakaraang administrasyon kundi pati na rin ni President Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga kasalukuyang mga mambabatas sa Kamara at Senado.

vuukle comment

NTF-ELCAC

UN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with