^

Bansa

LTFRB pagpapaliwanagin Victory Liner sa deadly bus shooting incident

James Relativo - Philstar.com
LTFRB pagpapaliwanagin Victory Liner sa deadly bus shooting incident
Kuha ng viral na pamamaril sa loob ng bus sa Carranglan, Nueva Ecija.
Video grabbed from News5

MANILA, Philippines — Maglalabas ng "show-cause" order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Victory Liner Inc. matapos ang viral na pamamaril sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ito ang ibinahagi ng LTFRB, Huwebes, matapos unang matanong ang kapulisan kung may pananagutan ang kumpanya ng bus sa pagkakapuslit ng baril sa loob ng bus na pinangyarihan ng krimen.

"We will issue it today," sabi ni LTFRB Technical Division head Joel Bolano sa isang news conference sa ulat ng GMA News.

Ika-15 ng Nobyembre nang paulanan ng anim na bala ng dalawang suspek ang mga pasaherong live-in partners habang sakay ng Victory Liner Bus Plate No. CAY 3363 bandang 1:30 p.m. sa Carranglan, Nueva Ecija.

Una nang naibalitang nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang babaeng napatay.

"[The bus] was traversing the mountainous part of Carranglan going to South diection and without apparent reason the  two (2) suspects shot the victims on the head and neck four (4) times and then they stop the  bus near the river of the above mentioned place of incident and went down," sabi ng spot report ng Carranglan police.

"Immediately the bus went to the Compac located at Brgy. Joson, Carranglan, N.E and reported the incident. Team of compac immediately responded at the said place of incident."

Victory Liner 'titiyaking ligtas' mga pasahero

Hinihingian pa ng Philstar.com ng pahayag ang Victory Liner kaugnay ng insidente ngunit hindi pa tumutugon sa ngayon.

Gayunpaman, naglabas sila ng official statement sa pamamagitan ng ABS-CBN News nitong Biyernes.

"Our hearts are with the victims and their families during this unfortunate incident. The Victory Liner Management is working closely with law enforcement to ensure a thorough investigation," sabi nila.

"Safety and security remain our top priorities, and we are implementing immediate measures to address this situation."

Dagdag pa ng kumpanya, patuloy ang kanilang pagsusumikap na maghatid ng ligtas na biyahe sa lahat ng kanilang pasahero.

Away pamilya?

Tinitignan naman na sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong away-pamilya sa pamamaril at pagkamatay ng dalawang pasahero, bagay na posibleng tinarget talaga.

Sa blotter report na nakuha ng News5, lumalabas na Abril lang nang sampahan ng reklamong robbery at carnapping ang sariling anak.

"Naka-blotter po ito at on bail lamang ito ang kanyang anak," ani PNP acting chief, PNP-PIO P/Col. Jean Fajardo.

 

 

Kinumpirma rin ng isa sa mga kamag-anak ng biktima na nakaalitan din talaga ng napatay ang anak bago ang insidente.

Sinasabing sumakay ng Cauayan, Isabela ang mga biktima at papunta sana ng probinsya ng Tarlac para kumuha ng alahas na nagkakahalaga ng P500,000.

Dagdag pa ng imbestigasyon, sumakay na lamang ang gunman nang dumaan ang bus sa Bayombong, Nueva Vizcaya. Mahigit dalawang oras magkasama sa sasakyan ang mga suspek at biktima sa sasakyan bago mangyari ang krimen sa Carranglan.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng kapulisan ang bus na pinangyarihan ng krimen habang patuloy ang backtracking at profiling sa insidente. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NUEVA ECIJA

SHOOTING INCIDENT

VICTORY LINER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with