^

Bansa

Marcos, US VP Harris pinalakas economic, defense ties

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris ang tungkol sa  pagtutulungan sa ekonomiya at depensa ng Maynila at Washington sa kanilang pagpupulong niton Huwebes.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.

“Yes. Continued economic & defense cooperation,” ani Romualdez tungkol sa napag-usapan nina Marcos at Harris.

Nasa San Francisco, California si Marcos para lumahok sa 2023 APEC Summit.

Samantala, nagpahayag ng kumpiyansa si Marcos na maaaring maging daan sa kapayapaan ang mga global at regional economic governance platforms gaya ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng APEC CEO Summit sa San Francisco, California, sinabi nitong sa pamamagitan ng solidong pondasyon sa ekonomiya ay maaaring maiwasan ang sigalot dahil sa pagkakaroon ng kasaganaan at mauunlad na mga bansa.

Upang makamit ito, kailangang aniyang suportahan ng APEC member economies ang mga panukala at desisyon na magtataguyod ng kooperasyon tungo sa pagkakapantay-pantay.

Ayon pa sa Pangulo, bilang nangungunang regional forum sa Asya-Pasipiko, dapat magsilbi ang APEC bilang incubator ng innovative ideas, at solusyon sa mga isyung pang-kalakalan para sa responsive economic at trade policies.

Kailangan din anyang patuloy na isulong ang partnership sa pribadong sektor sa pamamagitan ng APEC Business Advisory Council (ABAC), at iba pang stakeholders.

Higit sa lahat, sabi ni Pangulong Marcos, dapat nagkakaisang kumikilos para sa mas malawak pang pag-unlad.

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with