^

Bansa

EDSA Bus lane violators na nag-'name drop' kay Revilla lumutang, pinagmulta

James Relativo - Philstar.com
EDSA Bus lane violators na nag-'name drop' kay Revilla lumutang, pinagmulta
Litrato ng dalawang drivers na nag-"name drop" kay Sen. Bong Revilla matapos labagin ang EDSA Bus Lane, ika-16 ng Nobyembre, 2023
Released/MMDA

MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng traffic violation tickets ang dalawang drivers na nagbanggit sa pangalan ng isang senador matapos iligal na gamitin ang ekslusibong EDSA Carousel Bus Lane.

Miyerkules kasi nang ibalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nilabag diumano ni Revilla ang mas pinahigpit na guidelines matapos sabihin ng mga nabanggit na kunektado sila sa actor-turned-senator.

Humarap ang dalawa kay MMDA acting chairperson Don Artes ngayong Huwebes ng hapon. Nangyari ito aniya matapos kontakin ng may ari ng sasakyan ang MMDA official sa pamamamagitan ng isang "common friend."

Aminado ang dalawang hindi nila kasama si Revilla nang sitahin sila ng MMDA, at hindi rin daw pagmamay-ari ng senador ang kotse.

"The Agency considers this a welcome development in light of the incident as the agency conducts a probe and determines the lapses in the procedures in the implementation of the EDSA Bus Lane regulation," ani Artes sa isang pahayag.

 

Napatawan na ng P5,000 multa ang dalawang hindi pa pinakikilalang indibidwal bilang "first time offenders."

Kanino ba ang sasakyan?

Una nang sinabi ng MMDA na gumamit ng "protocol plate" ang mga nag-violate. Sa kabila nito, ayaw pang tukuyin sa publiko ng ahensya kung sino ang government official o pulitikong may ari nito.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), tumutukoy ang protocol plate sa mga low-numbered plates na ibinibigay para lang sa mga "top government officials" ng Republika ng Pilipinas.

Tanging mga public utility buses, emergency vehicles at government vehicles na tumutugon sa emergency ang maaaring gumamit ng mga naturang lane.

Maaaring patawan ng hanggang P30,000 multa ang fourth-time violators ng naturang EDSA Bus Lane policy, maliban sa posibleng pagka-revoke ng driver's license.

MMDA: Revilla pwedeng magkaso

Aniya, desisyon na raw ni Revilla kung maghahain siya ng pormal na reklamo laban sa dalawa.

Una nang sinabi ni Revilla na nasa Cavite siya nang mangyari ang naturang paglabag sa Metro Manila.

Suspendido pa rin si MMDA Task Force Special Operations Unit head (TFSOU) Edison “Bong” Nebrija matapos unang ianunsyong nahuli si Revilla sa kontrobersyal na paglabag ng batas trapiko.

Paliwanag ni Artes, sinuspindi si Nebrija hindi dahil sa paggampan sa kanyang trabaho ngunit dahil sa pagiging "overboard" nang ikasa ang mga operasyon.

Una nang inamin ng apprehending officers ng MMDA na hindi nila nakita mismo si Revilla sa loob ng sasakyan at basta na lang nagtiwala sa driver na nag-name drop kay "Bong."

BONG REVILLA

EDSA BUS LANE

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with