^

Bansa

Mungkahi ng UN human rights expert buwagin NTF-ELCAC pinalakpakan

James Relativo - Philstar.com
Mungkahi ng UN human rights expert buwagin NTF-ELCAC pinalakpakan
Protesta ng environmental activists sa tapat ng Department of Justice para suportahan sina Jhed Tamano and Jonila Castro matapos ireklamo ng perjury ng Philippine Army, ika-24 ng Oktubre, 2023
Released/Kalikasan PNE

MANILA, Philippines — Positibong tinanggap ng iba't ibang grupo ang mungkahi ng representatibo ng United Nations na tuluyang i-abolish ang anti-communist task force ng gobyerno dahil raw sa papel nito sa pag-target sa mga environmentalists at kritiko ng gobyerno.

Miyerkules lang nang irekomenda ni UN Special Rapporteur on the promotion and protection of human rights in the context of climate change Ian Fry ang pagbubuwag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict matapos ang kanyang 10-day visit sa Pilipinas.

"Natutuwa kami actually doon sa ilang... recommendation na isinama ni Ian Fry doon sa kanyang initial findings," ani Kalikasan People's Network for the Environment (Kalikasan PNE) coordinator Jon Bonifacio sa isang press conference, Huwebes.

"Marami doon actually ay ilan sa mga demands din ng mga civil society groups na matagal nang ipinapanawagan namin: 'yung pag-abolish for example ng NTF-ELCAC, 'yung pagkakaroon ng isang moratorium sa reclamation projects."

 

 

Kasama ang Kalikasan-PNE sa mga tumulong kay Fry sa pagpunta sa mga komunidad para maipakita diumano ang sitwasyon ng kaparatang pantao sa Pilipinas.

Bukod sa pagpapa-disband sa NTF-ELCAC — bagay na kilala sa red-tagging ng mga personalidad bilang rebelde o "communist sympathizers" nang walang sapat na ebidensya — inirekomenda rin ng UN Special Rapporteur na dapat nang ibasura ang kontrobersyal na anti-terrorism law.

Ilan pa sa mga pinunto ni Fry ang talamak na harassment diumano sa environmental human rights defenders, bukod pa sa mga nakarating sa kanyang kaso ng torture, enforced disappearance at extrajudicial killings. Nag-operate din daw ang NTF-ELCAC lagpas sa mandato nito dahil sa red-tagging ng mga community at indigenous leaders.

Ika-19 lang ng Setyembre nang ibulgar ng environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro na dinukot sila ng militar sa Orion, Bataan matapos silang ipresenta ng NTF-ELCAC sa publiko bilang "surrenderees" ng kilusan.

NTF-ELCAC: 'Kulang' ang impormasyon na naipresenta

Kahapon lang nang umalma si National Security Adviser Eduardo Año sa report ni Fry, ito habang ipinupuntong "incomplete" ang nilalaman ng kanyang ulat sa sitwasyon ng bansa.

"In the interest of fairness and justice, he should have raised his concerns with us to ensure that he has full appreciation of the body’s mandate, operations, and over-all directions," ani Año, na tumatayo rin bilang vice chairperson ng NTF-ELCAC.

"Fry’s report must be deemed incomplete.  Clarity in context is required to enrich his report and render the same relevant."

Aniya, bigo raw si Fry sa pagtukoy sa flagship programs ng NTF-ELCAC, bukod pa sa mga adbokasiya nito para sa "kapayapaan at henuine peace, unity annd development."

Taong 2018 lang nang buuin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang NTF-ELCAC para durugin ang deka-dekadang rebelyon ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA).

Setyembre lang nang ibalita ng non-profit na Global Witness na Pilipinas ang "pinakamalalang bansa" para sa nagtatanggol ng kalikasan sa buong kontinente ng Asya.

Mula panahon ni Duterte hanggang Marcos Jr.

Ikinatuwa naman ng grupong Karapatan ang mga rekomendasyon at obserbasyon ni Fry, lalo na't nakikita niya aniyang nagpapatuloy ang problema hanggang sa panahon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Bagama't nag-"peak" daw ang pagpatay sa environmental defenders noong panahon ni Duterte, bagay na bumuo sa 73% o 205 ng kabuuang 281 EJKs mula 2012 hanggang 2022, hindi raw nangangahulugang umookey ang kondisyon sa ilalim ni Bongbong.

"[T]he problem persists under the Marcos Jr. regime, as evidenced by the abduction by state forces last September of environmental activists Jhed Tamano and Jonila Castro, who have been campaigning against ecologically destructive reclamation projects along Manila Bay," ani Karapatan secretary general Cristina Palabay.

"As we anticipate Dr. Fry’s full report on his official visit to the Philippines to the UN Human Rights Council in June 2024, we hope that he can also look further into the militarist approach in the counterinsurgency policy of the Marcos Jr. - Duterte administration that drives NTF-ELCAC and the use of the terror law against environmental defenders and communities, as well as the neoliberal policies that spur destructive big reclamation, dam and mining projects that displace and violate rights of the people."

ANTI-TERRORISM ACT

ENVIRONMENTAL DEFENDERS

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

NTF-ELCAC

UNITED NATIONS

UNITED NATIONS SPECIAL RAPPORTEUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with