Remulla, nagkaroon ng ‘medical emergency’
MANILA, Philippines — Hindi nagawang makadalo sa anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang magtungo sa ospital dahil sa isang “minor medical emergency” kahapon.
Magsisilbi sanang “guest of honor and speaker” si Remulla sa ika-87 anibersaryo ng NBI sa Diamond Hotel sa Ermita, Maynila.
Sa halip, si Justice Undersecretary Jose Cadiz ang humalili kay Remulla sa selebrasyon. Sinabi ni Cadiz na papasok na siya ng opisina nang kontakin siya ng kalihim na nagsabi na pupunta siya ng ospital.
Samantala, tiniyak naman ni Justice spokesman Asec. Mico Clavano na maayos ang kundisyon ni Remulla at nagawa na agad pumasok sa kaniyang tanggapan sa DOJ.
HIndi naman sinagot ni Clavano ang katanungan ng mga mamamahayag ukol sa anong uri ng “medical emergency” ang nangyari kay Remulla.
Matatandaan na noong Hunyo, sumailalim sa 10-araw na “wellness leave” si Remulla makaraang sumailalim sa operasyon sa puso.
- Latest