^

Bansa

1,880 indigent students, 2K indigent parents, natulungan ng Manila LGU

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1,880 indigent students, 2K indigent parents, natulungan ng Manila LGU
Muling nagsagawa ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program ang Office of the House Speaker at DSWD sa Barangay 129, Caloocan City. Pinangunahan ito ni Caloocan City 2nd District Rep. Mitch Cajayon-Uy at tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng P2,000 cash sa 2,500 beneficiaries.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iniulat ng Manila City Government na libulibong indigent students at parents sa lungsod na napagkalooban na nila ng kaukulang tulong para sa pag-aaral at kabuhayan ng mga ito.

Nabatid na nakapagpamahagi na ang local na pamahalaan ng Educational Cash Assistance sa may 1,880 indigent students sa lungsod. Nabigyan na rin naman ng Capital Assistance ang mahigit 2,000 parents ng indigent children.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, sa tulong ng Division of City Schools Manila, ang lungsod ay nakapagbigay na rin ng mga libreng uniporme, mga bags at school supplies sa kabuuang 165,775 na mga estudyante sa lungsod. Maging ang Manila City Library (MCL) aniya ay patuloy sa pagkakaloob ng mga libreng paggamit ng computers at wifi sa public libraries ng lungsod.

Bukod dito, ang MCL ay nakapagsagawa na rin aniya ng Digital Literacy Program, Library Orientation, Tutorial Services, Art Sessions, Educational Film Showing, Puppet Show, Recreational Games, Story telling at maging ng Mobile Library, para sa kapakinabangan ng mga kabataan.

MCL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with