Online sellers, papatawan ng 1 porsyento tax mula Disyembre - BIR
MANILA, Philippines — Plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwisan na ng 1 percent withholding tax ang mga online platforms sellers sa susunod na buwan ng Disyembre.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na isinasapinal na ng tanggapan ang patakaran para sa planong pagbayarin ng 1 percent witholding tax ang kalahati ng gross remittances ng mga online platform providers ng kanilang partner sellers.
Ang withholding tax ay halaga ng buwis na ipapataw sa negosyo na binabayad sa serbisyo at kalakal na naireremit sa gobyerno.
“Our target is, hopefully, we can implement it by December… or at the latest January of 2024,” sabi ni Lumagui.
Binigyang diin ni Lumagui na upang epektibong makolekta ang withholding tax mula sa online sellers, ang operator ng online platforms o marketplaces ay dapat na naka rehistro sa BIR bago ma-accredit sa kanilang platforms.
Nilinaw ni Lumagui na ang hakbang ay ginagawa upang maitama ang pagbubuwis gaya ng traditional businesses na nagbabayad ng witholding tax.
“Hopefully, we will get an estimate of the entire universe of online transactions,” sabi pa ni Lumagui.
- Latest