Supply sa Ayungin troops i-airdrop na lang - solon
MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Cagayan Rep. Rufus Rodriguez ang airdropping sa paghahatid ng supply sa tropa ng mga sundalo na naka-istasyon sa BRP Gregorio del Pilar sa Ayungin Shoal sa Palawan.
Umapela si Rodriguez sa defense-military establishments na huwag ilantad sa panganib ang mga sibilyang bangka at crew ng mga ito sa pagsasagawa ng resupply
Ito’y sa gitna na rin ng pinakabagong insidente ng pambu-bully at harassment ng Chinese Coast Guards sa civilian boats na nagbibiyahe ng mga supply para sa tropa ng mga sundalo sa Ayungin.
“Let’s end this practice. I do not see the rationale for using civilian boats and crew in delivering supplies to our soldiers whose presence in that remote part of the West Philippine Sea symbolizes our national sovereignty and territorial integrity there,” giit ng solon na sinabing mahihirapan ang China na harangin ang paghahatid ng supply sa pamamagitan ng airdropping.
“We should use the air assets of the Air Force and the Navy to drop the things our patriotic soldiers in Ayungin need,” giit ni Rodriguez.
Maari rin aniyang hilingin ng DND at AFP sa mga bansang kaalyado nito tulad ng Estados Unidos na magpalipad ng surveillance aircraft upang imonitor ang nasabing airdrops ng supply.
- Latest