^

Bansa

56 pang Pinoy nakalikas ng Gaza palayo sa Israeli-Palestinian conflict

James Relativo - Philstar.com
56 pang Pinoy nakalikas ng Gaza palayo sa Israeli-Palestinian conflict
Litrato ng mga Pinoy na nakalikas ng Gaza
Mula sa X (dating Twitter) ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Ligtas na nakalikas ang nasa 56 pang Pilipino mula sa Palestine sa gitna ng opensiba ng Israel, dahilan para samahan nila ang listahan ng mga kababayang umuwi ng bansa sa gitna ng kagulugan.

Ito ang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isang paskil sa X (dating Twitter) ngayong Biyernes.

"Happy to hear the update that 56 more Filipinos have left Gaza amid the Israel-Hamas conflict, joining the 42 who had previously crossed," wika ni Bongbong kanina.

"This brings the total to 98 out of the 137 originally in Gaza, now en route to Cairo."

Kamakailan lang nang ibalitang nakatawid ng Rafah crossing ang nasa 40 Pinoy papasok ng Ehipto habang papataas ang namamatay sa Gaza Strip.

Dagdag ng presidente, 34 sa mga nabanggit ang nakasakay na ng kanilang flight papuntang Qatar at makararating ng Pilipinas ng 4:30 p.m.

"The safe journey of our nationals is of utmost importance, and we look forward to welcoming them home," sabi pa niya.

Kasalukuyang nagpapatupad ng mandatory repatriation (Alert Level 4) ang Department of Foreign Affairs sa Gaza.

Umabot na sa 10,800 ang namamatay sa Gaza Strip — karamihan sibilyan — matapos ang arial bombing ng Israel bilang ganti sa opensiba ng Hamas atbp. militanteng Palestino nitong Oktubre.

Sinundan ito ng mga pagsabog at raids sa West Bank, isa pang Palestinian city, na nagresulta sa pagkamatay ng 14 iba pa. Ito ang pinakamatinding raid sa Israeli-occupied West Bank simula 2005.

Una nang naibalitang 1,400 katao ang namatay sa Israel matapos ang pag-atake ng ilang Palestino, bagay na sinasabing pinamunuan ng grupong Hamas.

Ang kaguluhan ay kaugnay pa rin ng tinaguriang "Operation al-Aqsa Storm" ng ilang Palestino, na produkto diumano ng pag-atakeng sinimulan ng Jewish settlers at bakbakan sa Jenin at Al-Aqsa mosque na ikinamatay ng higit 200 Palestino. Bukod pa ito sa deka-dekadang illegal Israeli occupation.

BONGBONG MARCOS

GAZA STRIP

HAMAS

ISRAEL

PALESTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with