^

Bansa

Higanteng boya effigy vs China, pinaanod ng Masinloc fishermen

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Higanteng boya effigy vs China, pinaanod ng Masinloc fishermen
Nagpaanod ang grupo ng mga ma­ngingisda sa Masinloc, Zambales ng isang 18-feet boya effigy sa West Philippine Sea, bilang protesta sa umano’y patuloy na harassment ng China laban sa Pinoy fishermen sa Scarborough Shoal.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga mangingisda sa Masinloc, Zambales ang nagpaanod ng higanteng boya effigy sa isla ng San Salvador kahapon ng umaga upang iparating sa bansang Tsina ang kanilang gutom at galit dahil sa patuloy na pangha-harass at agresyon sa Scarborough Shoal.

Ibinahagi ng Asosas­yon ng mga Mangingisda sa Masinloc ang naganap na pagpapakawala at pagpapalayag sa higanteng boya na may nakasulat na “Atin Ang Pinas” na tanda ng pag-angkin sa mga karagatan na pinagkukuhanan nila ng kabuhayan na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Kagawad Richard Pascual, incoming tserman ng isla ng San Salvador, umaasa ang isla sa biyaya ng karagatan, para sa kanilang pagkain, hanapbuhay.

Aniya, ang ginagawang panggigipit at agresyon ng China ay labis na nakakaapekto sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough (Karburo) at sa kanilang kabuhayan.

Dagdag pa ni Pascual na ang gutom at galit nila sa China ay bunga ng patuloy na pagpigil ng Chineses ships sa kanilang pangingisda sa karburo.

Pinasalamatan din ng mga mangingisda ang lokal na pamahalaan at si Pangulong Marcos dahil sa mga susporta at pagtulong sa kanila.

“Nais ko ring magpasalamat sa aming Mayor Arsena J. Lim sa patuloy na ayuda sa aming mga mangingisda. Nagpapasalamat din kami sa ating Pangulong Marcos, sa Coast Guard dahil sa patuloy na pagtatanggol sa aming karapatan na mangisda sa karburo,” ani Pascual

Giit ni Pascual, ang payapang paglalayag sa karagatan ang kanilang tanging hiling upang buha­yin ang kanilang pamilya.

FISHERMEN

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with