^

Bansa

Pilot testing ng early voting ng seniors, PWDs ‘blockbuster’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pilot testing ng early voting ng seniors, PWDs âblockbusterâ
Voters, including senior citizens, and persons with disabilities cast their vote at Araullo High School in Manila during the Barangay and Sangguniang Kabataan Election on Monday, October 30, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — “Blockbuster” ang naging paglalarawan ng Commission on Elections (Comelec) sa pilot testing nila sa “early voting scheme” para sa “vulne­rable sectors” kahapon ng madaling araw para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Isinagawa ang pilot testing sa Naga City at Muntinlupa City para sa mga senior citizens, at “persons with disabilities (PWDs), mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga.

Pinapurihan ni Comelec Chairman George Garcia ang mga senior citizens at PWDs na maagang gumising at nagtungo sa pilot polling precints at maging ang mga kasama nila na umalalay sa mga nakatatanda.

Base sa voter turnout sa dalawang pilot locations, sinabi ni Garcia na dapat na maipatupad ang early voting scheme sa buong bansa.

Umaasa siya na maipapasa ng Kongreso ang early voting bilang batas na nagsasaad na maaa­ring makaboto ang mga miyembro ng vulnerable sectors isang linggo bago ang halalan.

Ilan sa minor na problemang kinaharap ay ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagpirma ng mga dokumento ng mga senior citizen at PWDs bago sila makaboto.

ELECTION

VOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with