^

Bansa

Philippines, US military paiigtingin ugnayan vs pambu-bully ng China

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Philippines, US military paiigtingin ugnayan vs pambu-bully ng China
Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro, binanggit ni Austin na nagbigay ng katiyakan si US President Joe Biden na  “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa pagtatanggol sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na mas paiigtingin pa ng Pilipinas ang bilateral coordination sa Amerika matapos ang kanyang pakikipag-usap kay US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ayon kay Teodoro, binanggit ni Austin na nagbigay ng katiyakan si US President Joe Biden na  “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa pagtatanggol sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Nabatid na sa joint statement ni Teodoro at Austin, kapwa nanindigan ang dalawang opisyal na saklaw ng MDT ang public vessels, aircraft, armed forces, at coast guard ng dalawang bansa, saan man sa Pasipiko, kabilang ang West Philippine sea.

Napag-usapan din ng dalawang opisyal ang  insidente nitong Oktubre 22 kung saan muling hinarang ng China ang resupply mission ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Teodoro na palalakasin pa ang RP-US engagement kabilang ang kooperasyon ng militar, kasunod ng matagumpay na “bilateral sail” ng Philippine Navy at US Navy sa karagatan ng Palawan noong nakaraang buwan.

Inaasahang magkikita ang dalawang opisyal sa nalalapit na ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM)-Plus sa Jakarta, Indonesia.

Subalit ayon naman kay Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning, walang karapatang ­manghimasok at makialam ang US sa usapin ng China at Pilipinas.

vuukle comment

GILBERT TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with