^

Bansa

Paolo Duterte bumwelta vs 'grave threat' complaint kontra Digong

James Relativo - Philstar.com
Paolo Duterte bumwelta vs 'grave threat' complaint kontra Digong
Paolo ran under Hugpong, a regional party founded by his sister and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
AFP

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang mga naghain ng criminal complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na "huwag maging balat sibuyas" kahit naging target ng death threat ng kanyang ama. 

Martes lang kasi nang ireklamo ng "grave threat" ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro si Digong matapos direktang magbanta sa buhay ng progresibong mambabatas sa panayam ng SMNI nitong Oktubre.

"We all have the right to file a complaint against anyone in court. But public servants should nopt be onion-skinned and should not make use of this right as a tool to silence critics," ani Pulong sa isang pahayag.

"The former president has recieved much harsher and humiliating criticisms in the past but never filed a case against anyone. As public servants, we all are under scrutinity by the Filipino people."

Sinasabi ito ni "Pulong" kahit na kilala ang mas matandang Duterte sa pagbanat at pagbabanta sa kanyang mga kritiko noong nanunungkulan pa bilang presidente.

Paliwanag pa ng anak ng dating pangulo, panahon nang "umamin" si Castro kung may nasabi ang naunang naka

"'Di 'yung nagtatago tayo sa likod ng so-called 'right na ito," dagdag pa ng nakababatang Duterte.

"As a Congressman myself, madami din akong alam na maka-Kaliwang mga party-list representatives. Tigilan na lang natin ang ka-dramahan at pagpapa-media."

Ano bang sinabi ni Duterte?

Nagsimula ang lahat ng ito matapos banatan ni Digong ang mga kritiko ng kontrobersyal na confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte, na kanyang anak. 

"Ikaw France [Castro], kayong mga komunista ang gusto kong patayin," wika ni Digong noong ika-10 ng Oktubre sa naturang panayam ng SMNI.

Kilala si Castro sa pagbatikos sa pagwaldas ng Office of the Vice President sa P125 milyong confidential funds sa loob ng 11-19 araw noong 2022. Ang naturang pera ay ginagamit para sa surveillance.

Tinanggal na sa Youtube ang video na ito ngunit makikita pa rin sa iba pang social networking sites.

"Kinikilala natin yung freedom of speech. Pero sobra na ito. Sa national TV, sa social media ay magbabanta sa buhay ng isang tao o isang mamamayan," ani Castro sa mga reporters kahapon.

Kung mapapatunayang nilabag ni Digong ang Article 282 ng Revised Penal Code, na tumutukoy sa "grave threats," maaaring makulong ng isa hanggang anim na buwan ang dating presidente.

Bukod pa ito sa multa, bagay na dedepende sa magiging desisyon ng korte.

Paliwanag ni La Viña, maaaring tumaas ng isang degree ang parusa sa dating pangulo lalo na't sakop daw ito ng Cybercrime Prevention Act. — may mga ulat mula kay Cristina Chi

ACT TEACHERS PARTYLIST

DEATH THREAT

PAOLO DUTERTE

RED-TAGGING

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with