^

Bansa

2 barko ng Pinas binangga ng China sa West Philippine Sea

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 barko ng Pinas binangga ng China sa West Philippine Sea
Sa report ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), bandang alas-6:04 ng umaga kahapon nang banggain ng barko ng China Coast Guard na CCGV 5203 ang resupply boat ng Armed Forces of the Philippines na Unaiza Mayo 2 sa Ayungin Shoal.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Hindi natatapos ang pangha-harass ng China nang muling banggain ng Chinese vessels ang dalawang barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa report ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), bandang alas-6:04 ng umaga kahapon nang banggain ng barko ng China Coast Guard na CCGV 5203 ang resupply boat ng Armed Forces of the Philippines na Unaiza Mayo 2 sa Ayungin Shoal.

Nagsasagawa ng rotation and resupply mission ang naturang barko ng AFP sa BRP Sierra Madre nang mabangga ito ng vessel ng China Coast Guard na CCGV 5203.

Ayon sa NTF-WPS, ang pagharang ay nangyari 13.5 nautical miles silangan hilagang-silangan kung saan naroroon ang BRP Sierra Madre.

“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the crew of UM2,” ang NTF-WPS.

Sa kabila nito, tagumpay pa rin ang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Nanindigan naman ang CCG na ‘legal’ ang kanilang pagharang sa mga barko ng Pilinas na umano’y iligal na nagdadala ng “illegal cons­truction materials” sa BRP Sierra Madre.

Hindi pa rito natapos dahil ang Philippine Coast Guard vessel naman na MRRV 4409 ang sinalpok ng Chinese Maritime Militia vessel na CMMV 00003.

Dahil dito’y kinondena ng NTF-WPS ang aksyon ng China Coast Guard sa vessel ng Pilipinas.

Ayon sa task force, ang pagbangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ay patunay sa pagbalewala ng China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) at ang 2016 Arbitral Award.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with